New Book: “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain”


Warning: include(/home/jmeferre/public_html/mind/wp-content/themes/120/468x60.php) [function.include]: failed to open stream: No such file or directory in /home/jmeferre/public_html/mind/wp-content/themes/120/single.php on line 30

Warning: include() [function.include]: Failed opening '/home/jmeferre/public_html/mind/wp-content/themes/120/468x60.php' for inclusion (include_path='.:/usr/lib/php:/usr/local/lib/php') in /home/jmeferre/public_html/mind/wp-content/themes/120/single.php on line 30

Dr. Willie T. Ong

http://i210.photobucket.com/albums/bb150/Willietong/IMG_0582.jpg

Marami ang lumalapit sa akin at nagsasabi na binabasa nila ang kolum ko sa Pilipino Star Ngayon at sa PM (Pang-Masa). Natutuwa ako lalo na kapag sinasabi nila na marami silang natututunan sa kanilang kalusugan. At marami din ang nagsasabi na ginugupit pa nila ang aking mga isinulat at nilalagay sa isang folder.

Dahil dito, naisip kong ipunin ang 80 na artikulo ko at ipagsama-sama ito sa isang libro na may titulo na “Sakit Sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain” na nasa National Bookstore.

Kaya kung gusto ninyong maging malusog at makaiwas sa sakit, nasa librong ito ang lahta ng aking mga payo tungkol sa: (1) Murang Check-up at Tamang Gamutan, (2) Murang Gamutan, (3) Tanong Sa Sex at Family Planning, (4) Mga Sakit Mula Ulo Hanggang Paa, at (5) Tips Para Pahabain ang Buhay.

Bukod dito, marami pang payo o health tips sa libro tungkol sa:

  • Iwas sa maaalat kung may altapresyon.
  • Sakit sa puso, paano maiiwasan?
  • Gamot sa cholesterol na kung tawagin ay Statins, hindi dapat agad inumin.
  • Solusyon sa mahina ang puso o heart failure.
  • Diabetes huwag pabayaan dahil nakamamatay.
  • Diyeta at murang gamot sa diabetes.
  • Ang 20 pinakamasustansyang pagkaing Pinoy.
  • Mga “not-so-healthy” foods na hilig ng Pinoy.
  • One egg a day lang po ang kainin.
  • Saging: Ang pinakamasustansyang prutas sa buong mundo.
  • Kumain ng malunggay.
  • Pakwan: Ang prutas na mahiwaga at mabuti sa katawan.
  • Alamin ang mga pagkaing pampasaya.
  • Matuto ng tamang pamumuhay.
  • Kailangan bang itigil ang paninigarilyo at paano ititigil ang pag-yosi.
  • Magsipilyo ng 3 beses bawat araw.
  • Paano mababawasan ang stress.
  • Paraan para pumayat at gumanda.
  • Beauty tips para sa kulang sa budget.
  • Pampaputi ng balat: Ano ang tunay na paraan?

Nasa librong ito ang lahat ng mga paksa na binanggit ko ngayon. Kung gusto ninyo ng kopya ng libro, matatagpuan din ito sa lahat ng National Bookstore. Mababasa din ang aking mga artikulo ng libre sa aking website (docwillieandliza.com). Good luck po!

7 Responses to “New Book: “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain””

  1. Paul Rivera Says:

    paano po kumuha ng kopya ng book nyo online???

  2. Willie T. Ong Says:

    Hi Paul,

    Just click on the header of my homepage entitled, “Free Health Books” to get a free copy of the book, “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain.

    Willie

  3. Turiano E. Cabezas Says:

    ano po ang gamot sa lumalaking puso”Heart Enlargement”?

  4. Willie T. Ong Says:

    Depende ito sa dahilan ng heart enlargement. Kung altapresyon ang dahilan, ginagamot ang high blood pressure. Kung mahina na ang puso at may heart failure, ginagamot ang heart failure. Magpatingin po kayo sa inyong doktor. Good luck.

  5. joven rosete Says:

    it`s nice!

  6. john michael gamilo Says:

    anu po ba ang dapat gawin o dapat na igamot kapag ikaw ay may sakit sa puso dahil lumalaki ito basi sa x-ray ko???salamat po

  7. Willie T. Ong Says:

    Hi. Magpatingin ka muna sa isang cardiologist para malaman kung may sakit ba.talaga sa puso. Siya ang magsasabi kung may kailangang gamot na inumin. Good luck.

Leave a Reply

September 2014
S M T W T F S
« Jul    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930